MABABA ang tsansa na magkaroon ng bagyo ngayong linggo ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Batay ito sa kanilang pinaka-latest na satellite images at normal na rin anila na kakaunti lang ang nabubuong bagyo kapag Pebrero at Marso.
Nauna na ring sinabi ng State Weather Bureau (SWB) na maaaring isa lang ang magiging bagyo ngayong buwan o wala talagang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa kabila nito, aasahang magkakaroon pa rin ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa sanhi ng easterlies at amihan.