POSIBLENG maaantala ang pagkakaroon ng ceasefire sa Gaza War.
Ito’y dahil magkasunod na nasawi ang dalawang leaders ng Hamas Militant Group ng Palestine at Hezbollah ng Lebanon.
Ayon sa supreme leader ng Iran na si Ayatollah Ali Khamenei, gumagawa ang Israel na mas ikakapahamak ng kanilang buong bansa.
Para kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, kung ano ang kahihinatnan ng kasalukuyang sitwasyon ay nakahanda na anila sila.
Ang Hezbollah ng Lebanon ay suportado ng Iran at nakikisimpatiya sila sa Hamas sa gitna ng nagpapatuloy na Gaza War.