Pagkakaroon ng Identification Card sa Sabah, solusyon sa isyu ng mga iligal na dayuhan

Pagkakaroon ng Identification Card sa Sabah, solusyon sa isyu ng mga iligal na dayuhan

IGINIIT ng partidong Solidariti Tanah Airku o Star Sabah na dapat nang maipatupad ang pagkakaroon ng Sabah Identification Card o Sabah IC para sa lahat ng mga Sabahan bilang susi para maresolba ang matagal nang isyu ng mga iligal na dayuhan sa estado.

Ayon sa Vice President ng partido na si Kenny Chua, sa pamamagitan ng Sabah IC, mas madaling maalis ang mga dayuhang may mga kahina-hinalang dokumento.

Aniya ang mga dayuhan na nakakuha ng “My Kad” ay patuloy umanong nakapagpapatuloy ng demograpiko sa Sabah.

Dapat din aniyang magkaroon ng cross checking sa local communities sa mga ninuno ng mga aplikante, kabilang dito kung saan sila nag-aral at kung sino ang mga dati nilang ka-eskuwela.

Aniya makatutulong ang nasabing impormasyon upang makapagbigay patunay ng kanilang pinanggalingan dahil aabot sa one-third ng mga tao sa Sabah ay dumating lamang sa estado ilang taon na ang nakalilipas o higit pa.

Kaya naman, kinailangan aniya ang Sabah IC upang matukoy ang mga tunay na Sabahans, bagama’t hindi nito lubusang malulutas ang isyu, hindi bababa sa kalahati ng kabuuang solusyon ang magagawa.

Gayunpaman, naungkat ang naturang usapin dahil  sa dami ng mga iligal na dayuhang kasalukuyang naninirahan sa estado.

Follow SMNI NEWS in Twitter