NANAWAGAN si Infectious Diseases Expert Dr. Mary Ann Bunyi sa pamahalaan na makapagbigay ng maayos na public toilet at chlorinated water system kasunod ng pagtaas ng kaso ng cholera sa bansa.
Sa ulat ng Department of Health (DOH), mas mataas ng 282% ang cholera cases ngayong taon kung ikukumpara noong nakaraang taon.
Batay pa sa datos, karamihan sa mga kaso ay nasa Eastern Visayas, Bicol Region at Western Visayas.
Ayon kay Bunyi maaring laganap dito ang cholera dahil sa kontaminado ang tubig at walang maayos na proper sanitation.
Saad nito na marami pa sa kanila ang kumuha ng tubig sa mga balon o poso para ipang inom at ang iba ay walang maayos na palikuran.
Ang cholera ay itinuturing na ‘extremely virulent’ disease na maaring ikamatay ng isang bata o matanda sa loob lamang ng mga oras kapag hindi agad nagamot.