IKINOKONSIDERA ng Commission on Filipinos Overseas (CFO) ang pagkakaroon ng mga paaralang Pinoy sa mga bansang may malaking Filipino communities.
Ito’y upang magiging smooth ang magiging transition ng mga Pilipinong kabataan abroad sakaling uuwi at babalik na ito sa Pilipinas.
Sa kasalukuyan ay nasa 35 Pinoy schools ang nag-ooperate sa iba’t ibang bansa tulad ng Bahrain, East Timor, Greece, Italy, Kuwait, Libya, Oman, Qatar, Saudi Arabia, at United Arab Emirates.
Hanggang Disyembre 31, 2022, nasa 25K rin ang mga naka-enroll na Pinoy students sa mga ito.