Pagkakaroon ng penalty at reward system, posibleng ipatupad sa Sabah

Pagkakaroon ng penalty at reward system, posibleng ipatupad sa Sabah

POSIBLENG ipatupad sa Sabah ang pagkakaroon ng penalty at reward system.

Iminungkahi ni Tuaran Umno Chief Datuk Seri Abdul Rahman Dahlan sa gobyerno ng Sabah na dapat itong magsagawa ng penalty at reward system para mapataas ang vaccination rate sa buong estado.

Bilang paghahalimbawa, sinabi ni Dahlan na maaaring kwalipikado para sa government financial assistance ang bawat indibidwal sakaling fully vaccinated na ang mga ito.

Binigyang-diin niya na ang penalty at reward system ay kailangan dahil may pagkakataon na hindi umano epektibo ang apela ng gobyerno sa publiko para hikayatin na magpabakuna ang mga ito.

Hanggang nitong Oktubre 10, ipinakita sa statistics ng Ministry of Health na nasa 48.3% ng mga residente sa Sabah ang fully vaccinted na at target nito na maabot ang 80% ng populasyon sa estado ang ganap na mabakunahan sa Abril 23 nang susunod na taon.

Aniya pa, dapat pahintulutan ng gobyerno ng estado ang paglalakbay sa bawat distrito sa mga lugar kung saan 80% ang fully vaccinated na mga indibidwal.

Samantala, patuloy ang paghihikayat ng gobyerno ng estado sa mga mamamayan na magpabakuna na sa lalong madaling panahon upang mapabilis ang pagtaas ng vaccination rate nito sa buong bansa.

SMNI NEWS