Pagkakaroon ng technical schools, layunin ng OFW Partylist

Pagkakaroon ng technical schools, layunin ng OFW Partylist

LAYUNIN ng OFW Partylist na magkaroon ng technical schools sa bawat rehiyon sa Pilipinas.

Ayon kay OFW Partylist Chairman Engineer Jerenato Alfante sa panayam ng SMNI News, ang technical school sa rehiyon ay nakakapagsuporta para magkaroon ng economic zone sa bawat lugar.

Maliban pa dito ay magiging daan ito ng mga anak ng OFWs na hindi masyadong aasa sa perang ipadadala ng mga magulang nila sa abroad.

Binigyang-diin ni Alfante, mahirap kumita sa ibang bansa kung kaya’t mas mainam na hindi maging dependent dito ang mga anak ng OFWs o kaya’y kahit sa magulang na rin na andito sa Pilipinas.

Samantala, naibahagi ni OFW Partylist Representative Marissa Del Mar na may nakahanda silang 17 panukala para sa mga OFW na ihahain sa Hunyo 30.

Isa na rito ay ang pagkakaroon ng memorandum of agreement sa pagitan ng employer, agency at OFW Partylist.

Follow SMNI NEWS in Twitter