PINURI ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. ang matagumpay na operasyon ng Quezon Police Provincial Office laban sa isang high-value target (HVI) sa Lucena City, Quezon.
Kinilala ang nahuli na si Alibsar Macarangkat Macasari, alyas Alvin, 35 taong gulang at residente ng GMA, Cavite.
Si Macasari ay nahuli makaraang magbenta ng hinihinalang shabu sa pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P60,000-K.
Nakuha sa operasyon ang 400 gramo ng ilegal na droga na may street value na P8.1-M.
Batay sa imbestigasyon, si Macasari ang distributor ng ilegal na droga sa Cavite.
Nasa kustodiya siya ng pulisya at sasampahan ng paglabag sa section 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Iginiit ni Acorda na napigilan ng mga pulis na makapasok ang ilegal na droga sa Quezon Province at ang potensiyal na pinsalang idudulot nito sa mga inosenteng buhay.