KASALANAN ng namamahala ng ABS-CBN.
Ito ang naging sagot ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ang honorary chairman ng SMNI, sa kanyang programang Powerline kaugnay sa isyung pagpapasara ng ABS-CBN na siyang sanhi ng pagkawala ng trabaho ng maraming manggagawa dito.
Paliwanag ng butihing Pastor, dahil sa mga paglabag ng ABS-CBN kung bakit napasara ito, taliwas sa sinabi ni Sen. Manny Pacquiao kamakailan na dinadamay umano ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga manggagawa ng network sa kanyang galit dito.
Sinabi ni Pastor Apollo kay Pacquiao na dapat alam nito ang batas lalo na at isa siyang senador.
Kung matatandaan, usap-usapang hindi maganda ang ugnayan ng Pangulo sa ABS-CBN dahil sa hindi nito inere ang kanyang campaign ads noong 2016.
Maliban pa ito sa mga bias na pagbabalita ng ABS-CBN sa kasalukuyang administrasyon at kay Pangulong Duterte.
Sa kabilang banda, ayon kay Pastor Apollo, ito ang dahilan kung bakit hindi siya bilib sa mga taong gaya ng pag-iisip ni Pacquiao lalong-lalo na at tumatakbo ito bilang pangulo ng bansa ngayong halalan.