Pagkakatalaga ng bagong GM at deputy chairman ng MMDA, welcome sa ahensya

Pagkakatalaga ng bagong GM at deputy chairman ng MMDA, welcome sa ahensya

WELCOME sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagkakatalaga nina retired Police Colonel Procopio Lipana bilang general manager at Frisco San Juan, Jr. bilang deputy chairman ng ahensya.

Sina Lipana at San Juan Jr. na kapwa itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Nobyembre 11 at 16 ay nagpapasalamat sa tiwala at kumpiyansa ng Presidente sa kanila.

Nangako rin ang dalawa na susuportahan ang lahat ng programa na inisyatibo ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes sa kapakinabangan ng Metro Manila at mga residente nito.

Si Lipana na pinalitan si Engr. Baltazar Melgar at nagsilbi sa pulisya sa loob ng 34 taon ay nangako na susuportahan ang lahat ng programa at proyekto ng chairman para sa ikabubuti ng National Capital Region.

Habang masaya naman na makabalik sa MMDA si San Juan Jr., na dating nagsilbi sa ahensya noong panahon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Follow SMNI News on Twitter