Pagkalat ng pekeng video sa socmed ng umano’y pamimili ng boto ni Pastor Apollo C. Quiboloy, pinabulaanan ng kampo ng Butihing Pastor

Pagkalat ng pekeng video sa socmed ng umano’y pamimili ng boto ni Pastor Apollo C. Quiboloy, pinabulaanan ng kampo ng Butihing Pastor

ISANG netizen ang nagpadala ng larawan sa kampo ni Pastor Apollo C. Quiboloy, laman ang isang flyer ng Butihing Pastor.

Ngunit, kapuna-puna na may lamang isang libong piso ang flyer na para bang idinidiin sa vote-buying ang Butihing Pastor.

Hindi naman pinalampas ng kampo ng senatorial aspirant ang bagong modus para siraan ang kaniyang kandidatura.

Sa isang pahayag, iginiit ng kampo ni Pastor Apollo na panlilinlang ang nasabing hakbang.

Isa rin itong desperadong taktika para siraan ang reputasyon ng spiritual leader ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Mariing pinabulaanan ng kampo ang akusasyon—malinaw na gawain ng mga taong nais sirain ang kaniyang kandidatura sa pagka-senador.

‘‘We would like to politely advise and if the advice is not heeded, we will really inform them that we will take action. That’s a crime!’’ ayon kay Atty. Israelito Torreon, KOJC Legal Counsel.

Hinimok naman ng kampo ang publiko na ipagbigay-alam agad sa kanilang tanggapan kung may mamataang ganitong modus.

At i-document, kuhaan ng video at picture ang sinumang sangkot.

Dudulog din ang kampo sa National Bureau of Investigation (NBI) para sa mas malalimang imbestigasyon.

‘‘Kung makita natin ‘yan at ma-document natin ‘yan at malaman natin kung sino ang author niyan, sigurado ako we will be filing cases, criminal cases against these persons. Hindi po fair ‘yan, below the belt din!’’ saad ni Atty. Israelito Torreon.

Zero corruption ang pinaka-plataporma ni Pastor Apollo sa Senado.

At hinding-hindi nito bibilhin ang boto ng nagkakaisa at matatapat na Pilipino.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter