ISINASAGAWA na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang malalimang imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ng tatlong Pinoy fishermen matapos na diumano’y banggain ng hindi pa nakikilalang banyagang commercial vessel ang sasakyan nila habang tumatawid sa katubigan ng Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal).
Ibinahagi ng isa sa crew ng FFB DEARYN na nangyari ang insidente bandang 4:20 a.m. noong Lunes habang nakaangkla para mangisda 85 nautical miles hilagangkanluran ng Bajo de Masinloc.
Ang mga biktima ay pawang mga residente ng Calapandayan, Subic, Zambales.
Ang Bajo de Masinloc ay nasa loob ng West Philippine Sea, na kinikilalang bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Isa rin ang nasabing isla sa pilit na inaangkin ng iba pang mga kalapit na bansa lalong-lalo na ng Tsina sa kabila ng pagpanig ng Permanent Court of Arbitration noong 2016 sa Maynila.