Pagkamatay ng high profile inmate na si Jaybee Sebastian sa loob ng Bilibid, iimbestigahan ng DOJ at BuCor

Pagkamatay ng high profile inmate na si Jaybee Sebastian sa loob ng Bilibid, iimbestigahan ng DOJ at BuCor

BONUS OFFER

NAKATAKDANG imbestigahan ng Bureau of Corrections (BuCor) at Department of Justice (DOJ) ang dahilan ng pagkamatay ng isa sa mga tinaguriang high profile inmate na si Jaybee Sebastian sa New Bilibid Prison.

 

Una nang naiulat na sampung inmate ng National Bilibid Prison sa Muntinlupa City,  kabilang ang high profile inmate na si Jaybee Sebastian ang nasawi sa coronavirus disease 2019 habang nakapiit sa Building 14.

 

Sa kabila nito, inihayag ni DOJ Sec. Menardo Guevarra, sa ngayon ay nasa proseso ang ahensya ng kumpirmasyon kung totoo ang naturang ulat na kinumpirma ng BuCor.

 

Low cost charcoal

Kabilang din sa kinukumpirmang high profile inmates na namatay umano sa Covid-19 ang anim na Chinese national, isang Muslim na big-time drug lord ng Pasig, at dalawa pang na naipa-cremate na at nailibing na sa Dasmariñas, Cavite at sa Manila North Cemetery.

 

Si Jaybee Sebastian ay idineklarang dead-on-arrival sa NBP Hospital, alas-10:15 ng umaga ng Hulyo 18, 2020 dahil sa acute myocardial infarction bilang komplikasyon ng Covid-19 na may lagda ni CTS Insp. Joseph M. Mendoza, medical officer ng NBP Hospital, ng Muntinlupa City.

 

Walang autopsy na isinagawa sa labi nito at na-cremate ang kanyang labi sa isang crematorium sa Cavite.

 

Matatandaan si Jaybee ay nakulong dahil sa kasong kidnapping-for-ransom at carjacking noong 2009, at key witness sa Bilibid drug trade na ngayo’y pending sa tatlong sangay ng Muntinlupa Regional Trial Court.

 

Matatandaan na noong October 2016, nang idawit nito si Sen . Leila de Lima sa pagdinig ng Kamara bilang protektor ng illegal drug operations sa NBP.

 

Inaasahan ngayong araw ay magkakaroon ng pulong sina Justice Secretary Menardo Guevarra at BuCor Chief Gerald Bantag sa isang press conference.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.