Pagkamatay ng isang mamamahayag, ginamit pang propaganda ng CCP-NPA laban kay FPRRD

Pagkamatay ng isang mamamahayag, ginamit pang propaganda ng CCP-NPA laban kay FPRRD

IGINIIT ng isang former rebel na si Ka Eric na isang malisyosong pamamaraan ang ginawang pag-uugnay ni Renato Reyes kay former NTF-ELCAC spokesperson Usec. Lorraine Badoy at former President Rodrigo Roa Duterte sa pagkamatay ni Percy Lapid.

Si Lapid ay isang mamamahayag na binaril kaninang madaling araw  ng hindi pa nakikilalang personalidad.

Isang malinaw na panlilito diumano ng makakaliwang grupo ang ginawang pagpapalabas ng isyung red-tagging ng naturang journalist ang dahilan sa kaniyang pagkamatay ayon kay Ka Eric.

Dagdag pa ni Ka Eric, isang disperadong hakbang ng makakaliwang grupo ang naturang pahayag para udyukan ang mamamayan na magalit kay Badoy at kay FPRRD.

Dagdag pa ni Ka Eric, kinakapital diumano ng grupong makakaliwa ang bangkay ng isang biktima para lamang mang udyok at manulsol sa taumbayan.

 

Follow SMNI News on Twitter