SAYANG at namatay ang itinuturong middleman ng Percy Lapid case na si Crisanto o Jun Villamor sa New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa sa panayam ng SMNI News, kung hindi ito namatay ay posibleng matunton na ang mastermind ng pagpaslang sa brodkaster.
Sinabi rin ni Sen. Dela Rosa na mas mainam kung sa ganitong kalaki na kaso ay nai-secure na ang lahat na may apelyidong Villamor kahit pa magkaiba ang mga pangalan nito.
Kaugnay naman sa pagsisiwalat ng mga pangalan ng 160 persons of interest, sinabi ng senador na kung hinihiling ng publiko ay maaaring ilabas ito for transparency.
Subalit aniya, posible namang magdudulot lang ito ng unnecessary inconvenience sa mababanggit na indibidwal.