Pagkamatay ng NPA commander ng Bicol, pinapurihan ng PNP

Pagkamatay ng NPA commander ng Bicol, pinapurihan ng PNP

PINAPURIHAN ng Philippine National Police (PNP) ang pagkamatay ng New People’s Army (NPA) commander ng Bicol.

Naging madugo ang  bakbakan sa pagitan ng mga operatiba ng Police Regional Office 5 at ng New People’s Army nitong Huwebes bandang ala 1:30 ng hapon.

Ayon sa ulat ng PRO5 na naunang nagpaputok ang tropa ng NPA na hindi bababa sa 40 katao matapos magkasalubong sa boundary ng Brgy. Patag at Cawayan Irosin, Sorsogon.

Tumagal din ng ilang oras ang palitan ng putok sa magkabilang panig na nagresulta sa pagkalagas ng commander ng Bicol o SDG Kilusang Partido 3 na kinilalang si Recto V. Golimlim alias ka Cenon/Tikong kasama pa ang isa pang commander ng Partido 3.

Si Ka Cennon ay tinaguriang top 1 most wanted ng Bicol na may pabuya na P5 million.

Ayon kay 903rd Brigade commander na si Col. Aldwine I. Almase na si Ka Cennon ay isa ring bomb expert at na syang pangunahing salarin sa mga pambobomba sa probinsya ng Bicol.

Nakuha mula sa kanila ang 6 na M16 rifle, 15 magazine na fully loaded at M16 Bandoleer.

Dahil dito, pinapurihan ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang PRO5 dahil sa matagumpay na operasyong ito sa pangunguna ni PBrigGen. Jonnel Estomo na siyang regional director ng PRO5.

“I commend the personnel of the PRO5 under Police Brig. Gen. Jonnel Estomo for their successful anti-insurgency operation with the local military forces that led to the neutralization of two NPA armed fighters of the CPP-NPA-NDF, including a ranking officer with P5 million reward, and the surrender of two others in Sorsogon,”ayon kay PGen Guillermo Eleazar.

Sa kabila naman ng nangyaring engkwentro ay agad naman na ipinag-utos ni Eleazar na bigyan pa rin ng tulong ang mga pamilya nina Ka Cennon at ipaunawa sa kanila na sila ay biktima ng panlilinlang at pinaliwanag sa kanila na hindi karahasan ang laging sagot para makamit ang tunay na kapayapaan na matagal ng minimithi.

“Mahalaga na maipaliwanag na sila ay biktima din ng panlilinlang at mabuksan ang kanilang isip na hindi karahasan ang sagot sa minimithi nating katahimikan at kaunlaran,”ayon kay General Eleazar.

Naka-full alert na rin ang lahat ng mga check points sa buong Bicol matapos itong ipag-utos ni General Eleazar.

Sinisiguro naman ni Eleazar na magpapatuloy ang kanilang walang humpay na operasyon para buwagin at sawatain ang mga natitirang teroristang grupo na matagal ng naghahasik ng kaguluhan sa mga kanayunan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *