SA isinagawang press conference ng kampo ng mga respondent ng Dacera case, iginiit ng kampo na walang foul play sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Sa isinumiteng ebidensiya ng PNP Makati kaugnay sa finding ng histopath examination ng PNP Crime Laboratory, lumabas na negatibo sa DNA at histopath examination si Christine sa alegasyon may rape na naganap.
Ni-rule out din ang kasong homicide sa insidente at batay sa pagsisiyasat ng Crime Laboratory at medico legal noong Enero 11, namatay si Dacera sa aortic aneurysm, isang medical condition.
Naubusan ng dugo si Dacera dahil sa pagputok ng ugat nito. Dahil dito maituturing na namatay si Dacera ng natural death.
“Manner of death as homicide is ruled out in Dacera’s case because the aortic aneurysm is considered a medical condition. Rape and/or drug overdose will not result in the development of aneurysms,” nakasaad sa medico-legal report ni Palmero.
Ayon pa sa abogado ng limang nadidiin sa kaso na sina John Pascual Dela Serna III, Rommel Galido y Daluro, John Paul Halili y Reyes, Gregorio Angelo Rafael de Guzman, at Valentine Rosales, nagpalabas na ang PNP ng kanilang resulta kung saan ruptured aortic aneurysm o natural cause ang ikinamatay ng biktima.
Naiintindihan naman daw ng kampo ng mga respondent ang hinagpis ng ina ni Christine bilang magulang na nawalan ng anak pero hindi anila ito dahilan para magbitaw ng paratang at magdidiin sa isang bagay na hindi ginawa at walang kaukulang ebidensiya.
Matatandaang ayon sa abogado ng Pamilya Dacera na si Jose Ledda III, gagawin nila ang lahat ng paraan upang mabigyang katarungan ang pagkamatay nito.
Kasabay ng paggiit na may nangyaring krimen sa pagkamatay ni Christine noong Bagong Taon.
Kinondena din ng kampo ng mga respondent na walang naging pahintulot mula sa pamilya ni Christine ang pagsasagawa ng otopsiya sa katawan ni Tintin gayong January 2 anila ay may relief ang PNP na may pirma ang pinsan ni Christine na si Kathy Dacera na magpapatunay na pinayagan nito ang proseso sa otopsiya.
Bagay na itinago umano ito ng PNP sa kanilang imbestigasyon at medico legal report.
Umaasa naman ang mga kinatawan ng mga inaakusahan na matatapos din ang usaping ito sa lalong madaling panahon habang may sapat na panahon ang piskalya na pag-aaralan ang presentation ng mga dokumento na isinumite ng dalawang panig.