Pagkamatay ni John Matthew Salilig dahil sa hazing, hindi hadlang sa pagtutulak ng mandatory ROTC sa bansa

Pagkamatay ni John Matthew Salilig dahil sa hazing, hindi hadlang sa pagtutulak ng mandatory ROTC sa bansa

NANINIWALA si PNP PIO chief PCol. Rederico Maranan na hindi magiging hadlang sa pagsusulong ng mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa bansa ang naganap na insidente ng hazing sa isang college student na si John Matthew Salilig.

Ayon sa opisyal, magkaiba ang fraternity rites sa mandatory ROTC.

Paliwanag ng Philippine National Police (PNP), maaaring maiwasan ang ganitong mga insidente ng pagkamatay sa ilalim ng isinusulong na mandatory ROTC dahil nasa aloob mismo ng eskwelahan ginagawa ang mga aktibidad at hindi sa patagong ugnayan.

Hindi aniya katulad ng fraternity rites na hindi nakokontrol ng school authorities dahil sa labas ito ng eskwelahan ginagawa.

Payo ngayon ng PNP sa mga estudyante maging maingat sa mga pinapasok na grupo o organisasyon upang maiwasang madisgrasya at masayang ang pinaghirapan ng pamilya sa pag-abot ng pangarap ng mga mag-aaral.

 

Follow SMNI NEWS in Instagram