NAKADEPENDE sa publiko at mukhang hindi na uubra kung gagamitin parin nila ang simpatiya at emosyon para pumili ng pinuno sa Pilipinas.
Ito ang naging pananaw ni Ado Paglinawan, isang author, columnist at former Diplomat to Washington, DC, USA sa panayam ng Sonshine Radio.
Kaugnay ito sa isyung posibleng gamitin sa pamumulitika ng oposisyon ang pagkamatay ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Inamin ni Paglinawan na kung umubra man ang ganitong sitwasyon sa mga nakalipas na panahon, mukhang hindi na uubra o gagana ito sa kasalukuyan.
Lalo pa aniya na malakas ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung ikukumpara sa oposisyon.
“Noong kumampanya si Cory (Aquino), 50% para kay Marcos at 50% para sa namatay na si Ninoy Aquino. Noong tumakbo naman si Noynoy noong 2010, may 70% na pabor sa oposisyon. Pero ngayon, 65% ang approval rating ng sitting President (Duterte). Palagay ko, maski gamitin nila ito, hindi ito masyadong magiging pabor para ang mga myembro ng oposisyon ay maka-landing uli.”