Pagkamatay ng Pinay worker sa Abu Dhabi, kinumpirma ng DOLE

KINUMPIRMA ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagkamatay ng isang Pinay worker sa Abu Dhabi, UAE na napaulat na nawawala noong Marso 2020.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nito lamang Enero ay nakita ang katawan ng Pinay na si Mary Anne Daynolo sa Abu Dhabi na nasa advanced stage of decomposition na.

Ani Bello, kasalukuyan ng nakakulong ang isang Ugandan na umaming pumatay kay Daynolo.

Patuloy naman aniyang pinaghahanap ang dalawang kasabwat ng suspek.

Sinabi ni Bello na nakatakdang isalang sa DNA testing at autopsy ng National Bureau of Investigation (NBI) ang katawan ni Daynolo upang malaman ang dahilan ng pagkamatay ng OFW.

Bukod sa pagpapanagot sa mga suspek, tiniyak din ng DOLE na makatatanggap ng death at burial benefits ang pamilya ni Daynolo na miyembro ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.