HINDI makatarungan kung maituturing ni Datu Jumong na isang IP leader ang ginawang pambabasura sa proscription case ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ni Judge Marlo Malagar.
Ayon kay Datu Jumong, mula sa kanilang ancestral domain hanggang sa mga katutubong mamamayan ay inabusong lubos ng naturang grupo.
Dagdag pa nito, minsan na rin siyang nabiktima ng ideolohiya ng CPP-NPA-NDF para ipalaganap ang kanilang masamang gawain gaya na lang ng pagrerecruit, pag oorganisa at pagtangan ng armas para labanan ang gobyerno.
Pero sa huli ay nagpasalamat ito na siya’y namulat sa katotohanan at muling nagbalik-loob sa gobyerno upang ipagamit ang kaniyang mga nalalaman noong siya pa ay nasa loob ng kilusan.