Pagkapanalo ng kaso ng reporter, ikinatuwa ng grupo ng mga mamamahayag

Pagkapanalo ng kaso ng reporter, ikinatuwa ng grupo ng mga mamamahayag

INATASAN ng National Labor Relations Commission (NLRC) ang pamunuan ng pahayagang ‘The Daily Tribune’ na bayaran ng kaukulang benepisyo ang dati nilang reporter na si Gab Humilde Villegas.

Naghain ng reklamo si Humilde Villegas laban sa naturang pahayagan matapos nadiskubre na isang taon na palang hindi binabayaran ng kompanya ang kaniyang Social Security System (SSS), Pag-IBIG, at Philippine Insurance Corporation (PhilHealth).

Inatasan din ng NLRC ang ‘Daily Tribune’ na bigyan si Humilde Villegas ng 13th month pay pero bukod sa 13th month pay ay hiling din ni Humilde Villegas na bayaran din siya ng moral at exemplary damages gayundin ang pagkuha niya ng abogado.

Si Attorney Noel Neri ng Pro-labor Legal Assistance Group ang nag-representa kay Humilde Villegas at ikinalugod naman ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang desisyon ng NLRC.

Samantala, pinaaalalahanan naman ng NUJP ang mga media organizations na igalang ang karapatan ng mga mamamahayag.

Follow SMNI NEWS in Twitter