PINAIIMBESTIGAHAN na ang pagkasawi ng isang abogado ng militar.
Kasabay ng pagluluksa, nagpaabot din ng kanilang pakikiramay ang liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa naulilang pamilya ni Col. Rolando Escalona Jr.
Ito’y matapos matagpuan ang wala nang buhay na katawan ni Escalona sa loob mismo ng kaniyang quarters sa Kampo Aguinaldo noong Nobyembre 22.
Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, si Escalona ang nagsisilbing Legal Counsel ng Sandatahang Lakas sa ilalim ng Judge Advocate General’s Service.
Kaugnay rito, sinabi ni Padilla na nagpasaklolo na ang AFP sa Philippine National Police – Scene of the Crime Operatives (PNP-SOCO) para magsagawa ng imbestigasyon.
Sa hiwalay na panayam kay Padilla, kinumpirma nito ang isang tama ng bala ng baril ang nakita sa katawan ni Escalona nang matagpuan ito.