Pagkasawi ng 3 OFWs sa sunog sa Kuwait nitong Miyerkules, kinumpirma ng DMW

Pagkasawi ng 3 OFWs sa sunog sa Kuwait nitong Miyerkules, kinumpirma ng DMW

SMOKE inhalation ang dahilan ng pagkamatay ng tatlong Overseas Filipino Workers (OFWs) sa isang residential building sa Kuwait.

Ito ang kinumpirma ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac kung saan ang mga naturang OFW ay kabilang sa 11 Pinoy workers na naapektuhan ng sunog na parehong nagtra-trabaho sa isang Kuwaiti construction company.

Sinabi rin ni Cacdac na nakipag-ugnayan na sila sa pamilya ng lahat ng naapektuhang OFWs, kasama na ang mga pamilya ng dalawang nasa kritikal na kondisyon at gayundin ng sa tatlong namatay.

Anim sa kanila ay ligtas na ngayon at binigyan ng kanilang pangangailangan.

“We are in touch with the families of all the affected OFWs, including the families of those two in critical condition and the families of the three fatalities. Six of them are now safe and provided with their immediate needs. We will provide all the necessary assistance and support to the OFWs and their families in this difficult time as directed by the President,” ayon kay Secretary Hans Leo Cacdac, Department of Migrant Workers

Sa report ng Kuwaiti authorities, nagsimula ang sunog bandang 4:30 ng Miyerkules ng umaga 12 o alas 9:30 ng umaga sa Pilipinas.

Iniulat din ng Kuwait Interior Ministry na 49 katao ang namatay sa sunog, at marami pa ang nasugatan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble