Pagkatalaga sa anak ni dating DOTr Secretary Tugade bilang General Manager ng MIAA, kinumpirma ng OPS

Pagkatalaga sa anak ni dating DOTr Secretary Tugade bilang General Manager ng MIAA, kinumpirma ng OPS

NAGTALAGA na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng bagong acting General Manager ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Ito ang kinumpirma ni Office of the Press Secretary (OPS) OIC Usec. Cheloy Garafil.

In-appoint si Jose Arturo Maddela Tugade bilang acting General Manager, CEO, at miyembro ng Board of Directors ng MIAA.

Si Jose Arturo ay anak ni dating Transportation Secretary Arthur Tugade na nanilbihan sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Pinalitan ni Tugade sa posisyon si dating MIAA GM Cesar Chiong.

Follow SMNI NEWS in Twitter