IPINALIWANAG ni Ombudsman Samuel Martires na hindi isang karapatan o absolute right ang pag-access ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).
Ito umano ang dahilan kung bakit nagpalabas ng guidelines ang Supreme Court kung papaano makakuha ng access sa SALN.
Kasunod ito sa pagiging interesado ng iilan na malaman ang SALN ni Pangulong Rodrigo Duterte, bagay na ipinagtataka ni Ombudsman Martires.
Dagdag pa ni Martires, hinding hindi sya magrerelease kung walang pahintulot ng kinauukulang opisyal.
Madalas din kasi aniya, nagagamit ang mga ito sa extortion at ilegal na aktibidad.
Nilinaw naman nito na ang Statement of Assets, Liabilities and Networth lang ng top officials ang nasa sa ilalim ng kanilang kustodiya.