MAS pinabilis na ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagproseso sa pagkuha ng permit, lisensya at accreditation ng mga partner non-government organization (NGOs).
Ngayong Martes, inilunsad ng ahensya ang DSWD Regulatory e-Services kung saan sa pamamagitan ng isang website ay mapabibilis, mapadadali at secured ang transaksyon sa ahensya.
Sinabi pa ni Sec. Erwin Tulfo, hindi na kailangan bumiyahe at pumila ng mahaba ng mga partner charitable institutions dahil sa pamamagitan ng www.dswd.gov. ph ay mabilis na ang pagpro-proseso.
Hakbang ito ng ahensya alinsunod na rin sa mandato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na gawing digitalized ang bawat transaksyon sa mga ahensya ng pamahalaan.
Ang naturang seremonya ay pinangunahan ni Sec. Erwin Tulfo kasama ang iba’t ibang charitable institutions.