TAPOS na ang pagkukumpuni sa ilang bahagi ng EDSA busway ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
NATAPOS na ang pagkukumpuni ng ilang bahagi ng EDSA Bus Carousel ayon sa (MMDA).
Kabilang sa mga lugar na tapos na ang asphalt overlay ay ang sumusunod:
EDSA Southbound
- BBM Headquartes (near Octoboy) – BDOw
- Before Guadalupe Bridge (whole length)
EDSA Northbound
- Corinthians (after AFP Camp Aguinaldo)
- Before MMDA (Sonshine Media Marketing)
- Guadalupe MRT – Guadalupe Bridge
- Fronting Ricoa – Avida Towers
Matatandaan na sinimulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang “one-time, big-time” emergency road repairs sa ilang bahagi ng EDSA Bus Carousel nitong alas-diyes ng gabi ng Agosto 4.
Tatagal ang pagkukumpuni sa mga lubak at sirang bahagi ng EDSA Bus Carousel hanggang 5 am ng Miyerkules, Agosto 9.