Pagkukumpuni sa innerlane ng C5 Ortigas flyover at C5 Pasig Boulevard flyover, sisimulan na sa Enero 21

Pagkukumpuni sa innerlane ng C5 Ortigas flyover at C5 Pasig Boulevard flyover, sisimulan na sa Enero 21

MAGSISIMULA na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagkukumpuni sa inner lane ng southbound portion ng C5 Ortigas flyover at C5 Pasig Boulevard flyover.

Sa abiso, isasagawa ng DPWH-Metro Manila 1st District Engineering Office ang repair works simula Enero 21 – Pebrero 21, 2023.

Ito ay mula 10 pm – 5 am.

Dahil dito, pinapayuhan ang lahat ng mga motorista na gumamit ng service road bilang alternatibong ruta sa mga nabanggit na oras dahil 3.5 meters lamang ang maaring madaanan sa outer lane.

 

Follow SMNI News on Twitter