PANSAMANTALANG ipinagpaliban ng Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni Hans Leo Cacdac bilang kalihim ng Department of Migrant Workers (DMW).
Ang hindi pagkumpirma kay Cacdac ay dahil sa kawalan daw umano ng sapat na oras.
Sa kabila nito, hindi pa maituturing na na-bypass si Cacdac dahil may ilang araw pa ang kongreso bago mag-sine die adjournment.
Si Cacdac ay itinalaga bilang kalihim ni PBBM matapos pumanaw ni Secretary Susan “Toots” V. Ople.