Paglabas ng court ruling hinggil sa joint exploration noong 2005, kwestyunable ang timing –geopolitical analyst

Paglabas ng court ruling hinggil sa joint exploration noong 2005, kwestyunable ang timing –geopolitical analyst

KWESTYUNABLE para kay Professor at Geopolitical Analyst Anna Malindog-Uy ang timing ng paglabas ng court ruling hinggil sa pagiging “unconstitutional” ng Joint Marine Seismic Undertaking (JMSU) ng Pilipinas, China at Vietnam noong 2005.

Aniya, ito’y dahil kakagaling pa lang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa China kung saan nakakuha siya ng maraming investment pledges at ang napagkasunduang joint oil exploration kasama ang Beijing. kwestyunable 

Ani Malindog-Uy, nagtapos na ang seismic undertaking na ito noong 2008 na hindi rin nag-proceed o naisagawa dahil hindi willing ang Pilipinas na mangyari ito.

Kung tutuusin pa, moot and academic na ito dahil sa katagal-tagal nang panahong lumipas kaya nakapagtataka kung bakit ngayon lang naglabas ng ruling.

Nauna nang sinabi ni Atty. Harry Roque na makakaapekto sa planong joint exploration ng China at Pilipinas sa kasalukuyan ang paglabas ng nabanggit na court ruling.

Batay sa inilabas na ruling, tinukoy ng mga naghain na pinapayagan ng Pilipinas ang foreign corporations na magsagawa ng large-scale exploration ng petroleum resource sa 142, 886 sq. km. sa South China Sea.

Labag anila ito sa 1987 Constitution.

Follow SMNI NEWS in Twitter