Paglabas-pasok ni Jad Dera sa NBI detention facility, isang iskandalo ng ahensiya

Paglabas-pasok ni Jad Dera sa NBI detention facility, isang iskandalo ng ahensiya

ISKANDALO kung tawagin ng isang dating Palace official ang isyung paglabas-pasok mula sa National Bureau of Investigation (NBI) detention facility ng isang high profile inmate.

Ayon kay dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque, tanging ang huwes lang ang maaaring makapagdesisyon kung makalalabas mula sa detention facility ang isang high profile inmate at wala nang iba.

Giit ni Roque, halatang special treatment ang ginawa ng NBI para kay Dera.

Dagdag pa ni Roque, wala nang ibang maaasahan ang publiko sa pag-iimbestiga ng mga nagkasalang alagad ng batas tulad ng mga pulis kung ang NBI mismo ay nagkakasala.

Matatandaan na kamakailan lang ay nadiskubre na malayang nakalalabas-pasok mula sa NBI detention facility si Dera kasama ang anim na security personnel ng NBI kung saan nakarating pa ito sa Tagaytay, Subic at Batangas.

Kabilang din sa itinuturing na special treatment kay Jad Dera ang pag-eenjoy nito sa mga espesyal na pagkain at pagkakaroon ng magandang sleeping condition sa loob ng NBI detention facility.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter