SINAKSIHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglagda ng 2 extension contract packages para sa NSCR-South Commuter Railway Project Section.
Nananatili ang pangako ng administrasyong Marcos sa policy at program implementation ng major infrastructure projects.
“I am delighted that we are here now to formally initiate another flagship project that fully aligns with this Administration’s policy of “Build Better More,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang contract signing ceremony ng North-South Commuter Railway (NSCR) Project-South Commuter Contract Packages (CP) S-02 at S-03B.
Ginanap ang naturang seremonya sa P`resident’s Hall, Malacañan Palace nitong Huwebes, Abril 27.
Kabilang sa dumalo sa event sina Transportation Secretary Jaime Bautista, opisyal ng Asian Development Bank (ADB), ilang miyembro ng Diplomatic Corps at partners mula sa private sector.
Tinunghayan nina Pangulong Marcos at ADB Philippines Country Director Kelly Bird ang ceremonial contract signing sa pagitan ng DOTr at mga nanalong bidder ng NSCR Project – South Commuter Packages (CPS) S-02 at S-03B.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Pangulong Marcos na ang ginawang contract signing ay nangangahulugan ng pagsisimula ng konstruksiyon ng South Commuter Section o South Commuter Railway Project (SCRP) at naglalagay rin sa lahat ng phases ng NSCR system ‘in full swing.’
Ang CP S-02 at S-03b ay bahagi ng SCRP o bumubuo sa ikatlong yugto ng NSCR Project – South Commuter Railway Project (SCRP).
“These Contract Packages constitute some 14-kilometer stretch of the SCRP, running through Metro Manila, both above and below its surface. Totaling 55.6 kilometers, the SCRP will connect Manila to Laguna, rounding out the southern leg of the NSCR system,” dagdag ni Pangulong Marcos.
Ang 55.6 km-SCRP na magdurugtong mula Blumentritt, Manila hanggang Calamba City, Laguna, ay magkakaroon ng 19 na istasyon at isang depot sa Bgy. Banlic sa lungsod ng Calamba.
Kapag nakumpleto sa 2029, babawasan ng SCRP ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng Blumentritt, Manila at Calamba City, Laguna mula 2 oras at 30 minuto, ay magiging 1 oras at 12 minuto na lamang.
Tinatayang makabubuo ng 35,000 mga trabaho sa konstruksiyon ng proyekto.
Ang civil works para sa SCRP ay naka-target na magsimula sa Hunyo 2023.
Ang contract packages na S-02 at S-03b, na tutustusan ng ADB, ay iginawad noong Pebrero 17 at 20, 2023.
PBBM, ipinangako ang consistent implementation ng major infra projects
Kaugnay rito, ipinangako ni Pangulong Marcos ang consistent implementation ng major infra projects.
“Building on these strategic and progressive accomplishments, this Administration shall commit consistency of policy and program implementation,” ayon pa sa Pangulo.
“Rest assured, as with other programs of this Administration, we will be diligent in finishing this project with excellence, with honesty, and with the proper urgency,” aniya.
Nabanggit pa ng Punong Ehekutibo na ang mga proyektong ito ay hindi lamang magde-decongest sa mga pangunahing daanan ng Metro Manila ngunit magdadala rin ng mas mabilis na mga transaksiyon, kalidad ng oras, at pagpapabuti ng kalidad ng buhay para sa lahat.
Idinagdag pa ni Pangulong Marcos na ang railway system ay magpapasigla rin sa mga aktibidad sa ekonomiya sa magkakaugnay na mga rehiyon at magtataguyod ng environmental sustainability at public health.
PBBM, pinasalamatan ang ADB at JICA sa pagiging aktibong katuwang ng bansa sa pagpapaunlad ng imprastraktura
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Pangulong Marcos sa Asian Development Bank (ADB) at sa Japan International Cooperation Agency (JICA) sa pagiging aktibo at consistent partners ng bansa sa pagpapaunlad ng imprastraktura sa loob ng maraming taon.
Aniya, ang suporta ng ADB at JICA ay naging instrumento sa pagsisikap ng pamahalaan na magbigay ng ligtas, mahusay at sustanaible na pampublikong transportasyon para sa mga tao.
Kinilala rin ng Punong Ehekutibo ang mga kontribusyon ng Acciona-DMCI Joint Venture, ang Leighton-First Balfour Joint Venture, at ang pagsisikap ng mga local government units (LGUs) na katuwang sa proyekto.
800k pasahero kada araw, masisilbihan kapag fully operational na ang buong North-South Commuter Railway Project
Samantala, kapag naman fully operational na ang buong sistema ng NSCR, makapagsisilbi ito ng humigit-kumulang 800,000 pasahero araw-araw.
Ang NSCR System, na may kabuuang project cost na PhP873.62 bilyon, ay isang 147.26-km na railway project na mag-uugnay sa Clark, Pampanga at Calamba City, Laguna.
Ito ay co-finance ng ADB at JICA.
Magkakaroon ang buong railway system ng 35 istasyon at 3 depot na binubuo ng orihinal na NSCR Project: Malolos-Clark Railway Project (MCRP) at ang South Commuter Railway Project (SCRP).
Kapag natapos din ang proyekto, mababawasan ang travel time mula Clark Airport sa Pampanga hanggang Calamba, Laguna, mula 4 na oras ay magiging 2 oras na lamang.
“Most importantly, the completion of the full NSCR line will bring greater convenience for our commuters. It will offer an efficient and comfortable transport alternative that spans the great distance, connecting Pampanga to Manila and then to Laguna,” saad ni Pangulong Marcos.
Ang mga partial operation ng NSCR ay magsisimula sa ikatlong quarter ng 2026 at ang full operations sa 2029.
Ang North – South Commuter Railway ay parte ng flagship project ng administrasyon sa ilalim ng “Build Better More program”.