PAGLIKHA ng maraming trabaho para sa mga Pilipino at magandang health care system.
Ito ang sinabi ng ekonomistang si Dr. Michael Batu upang maramdaman ng publiko ang paglago ng ekonomiya ng bansa noong 2022 na iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Idinagdag pa ng ekonomista na dapat umuunlad na rin ang education system ng bansa para maramdaman ang gumagandang lagay ng ekonomiya sa Pilipinas.
Inihayag din ni Batu na sa kasalukuyan ay hindi pa masyadong nararamdaman ng lahat ang paglago ng ekonomiya lalo na sa low-income brackets.
Sa kabilang banda, isang malaking ebidensya na unti-unting nararamdaman ng mga tao ang paglago ng ekonomiya ay ang pagbaba ng poverty rate sa Pilipinas.