Paglago ng ekonomiya sa Q3, pinakamabilis kumpara sa ibang mga bansa sa Asya—NEDA

Paglago ng ekonomiya sa Q3, pinakamabilis kumpara sa ibang mga bansa sa Asya—NEDA

SA kabila ng mga hamon sa loob at labas ng Pilipinas, lumago pa rin ang ekonomiya ng bansa na mas mabilis pa kumpara sa mga karatig-bansa sa Asya.

Mula 4.3% noong 2nd quarter, naitala ang 5.9% na paglago sa ekonomiya nitong 3rd quarter ng 2023.

Mas mabilis ito kumpara sa paglago ng ekonomiya ng Vietnam, Indonesia, China, at Malaysia.

Isa sa mga dahilan sa paglago ng ekonomiya ng bansa ay ang mas mabilis na paggastos ng gobyerno sa kanilang mga alokasyon sa national budget na naitala sa 6.7 porsiyento nitong third quarter mula sa negative 0.7 percent.

“Overall, government spending contributed 2.1 percentage points or 36 percent of the observed 5.9 percent GDP growth,” ayon kay Sec. Arsenio Balisacan, NEDA.

“We hope to maintain this momentum for the remainder of the year and the years to come,” dagdag ni Balisacan.

Pero sa kabila nito, humina ang household consumption sa 5.0 porsiyento nitong 3rd quarter mula 5.5 porsiyento sa nakaraang quarter.

Paliwanag ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan, ang mataas na food inflation ang dahilan kaya humina ang domestic demand o ang paggasta ng mga mamamayan na siyang pangunahing nagpapagulong sa ekonomiya.

Gobyerno, target na makuha ang 7.2% na GDP sa Q4 ng 2023

Layon ng gobyerno na maabot ang full year target na 6-7 porsiyento na GDP.

Upang maabot ang nasabing target, kinakailangang maitala ang 7.2 porsiyento na GDP sa huling quarter ng taon.

Kaya ani Balisacan, nakatutok ang gobyerno sa pagpapalago ng consumption spending sa pamamagitan ng mas pagpapabagal ng inflation sa mga susunod na buwan.

“Inflation is key to the revival to robust growth in consumption spending. The focus ensuring that reduction, that decrease in inflation reported for the October 2023 will be sustained in the coming months,” ani Balisacan.

NEDA: Gobyerno, tinututukan ang pagpapadami ng investors sa bansa

Samantala, nakakasigla rin ani Balisacan ang ulat patungkol sa pagbuti ng kalidad ng mga trabaho nitong Oktubre.

Aniya nakatutok ang gobyerno sa pagpapadami ng mga mamumuhunan sa bansa upang makalikha ng mas maraming trabaho na may mataas na kalidad at mataas na suweldo.

“In the longer haul, what we want to happen is that investment must increase substantially. And that’s why the economic team is so focused seeing the economy attracting more investors whether domestic or foreign because the only way to continue to improve the quality of employment is investment is increasing,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble