Paglalagay ng administrator sa bawat evacuation center sa bansa, iminungkahi ni Sen. Bong Go

Paglalagay ng administrator sa bawat evacuation center sa bansa, iminungkahi ni Sen. Bong Go

UPANG maiwasan na masira at maging marumi ang lahat ng mga evacuation centers sa bansa tuwing may bagyo, iminungkahi mismo ni Senador Bong Go na lagyan ng administrator ang bawat pasilidad.

Ayon sa senador malaking tulong ito para maging maayos ang pansamantalang pagtira at pag-alis ng mga evacuees sa mga evacuation centers.

Bagamat ikinalulungkot ng mambabatas ang ginawang pagsira at pag-iwan na marumi sa isang paaralan sa Muntinlupa matapos na ilikas ang mga pamilyang apektado ng Bagyong Paeng sa bansa.

Sa huli, umaasa ang senador na maagang maisasabatas ang pagsusulong ng mandatory evacuation centers sa bawat LGU bilang paghahanda sa mga susunod pang kalamidad na darating sa bansa.

 

Follow SMNI News on Twitter