Paglalagay ng drug rehabilitation, patuloy na isinusulong ni Rep. Fernandez

Paglalagay ng drug rehabilitation, patuloy na isinusulong ni Rep. Fernandez

PATULOY na isinusulong ni District Representative Santa Rosa City, Lone District Rep. Dan Fernandez bilang chairman ng House Committee on Public Order & Safety ang panukala sa paglalagay ng drug rehabilitation sa bansa.

Sa panayam ng SMNI News sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., sinabi nito na suportado niya ang pagpapatuloy ng war on drug sa bansa.

“Siyempre all out support tayo sa ating ginawang panukala ng ating pong speaker most especially sa war on drugs at ako bilang Chairman Committee on Public Order & Safety, isa sa ating mga panukala jan na mabawasan ang paghihirap natin dito sa droga na nararamdaman ng ating kababayan,” ayon kay Rep. Dan Fernandez, Chairman ng House Committee on Public Order & Safety.

Ayon kay Rep. Dan Fernandez, isa sa mga nais niya ang malagyan ang buong Pilipinas ng drug rehabilitation dahil ito ang kinakailangan ng bawat Pilipino.

“Alam naman po natin ang pagpaparehab ang makakatulong sa ating mga mamamayan para maiwasan ang ganitong mga klaseng problema ng ating mamamayan ‘yung ating pong tinatawag na intervention ng ating gobyerno at isa sa intervention ay isa ang paggawa ng Rehabilitation Center,” dagdag ni Fernandez.

Matatandaang noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, nakapagpatayo na si Rep. Fernandez ng Dangal Rehabilitation Center na kung saan ay kina-cater nila ang lahat ng mga nag- uundergo ng kanilang rehab na sinimulan ni dating Pangulong Duterte.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter