Paglalagay ng regulasyon, solusyon sa problema ng e-sabong – Belgica

Paglalagay ng regulasyon, solusyon sa problema ng e-sabong – Belgica

MAGKAKAROON lang ng underground economy ang mga sindikato dito sa Pilipinas kung tuluyang ihinto ang e-sabong.

Ito’y ayon kay senatorial candidate Greco Belgica sa panayam ng SMNI News.

Sinabi na rin ni Belgica na hinayaan lang ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang e-sabong na magpapatuloy dahil may ambag ito sa ekonomiya ng bansa.

Samantala, ibinahagi ni Belgica na tumakbo siya sa Senado upang isabatas ang mga polisiya ni Pangulong Duterte gaya na lang ng NTF-ELCAC.

Ipagpapatuloy din niya ang laban ng kasalukuyang administrasyon kontra iligal na droga at korapsyon.

Sa naganap na SMNI Exclusives kagabi kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy, nais niyang ibalik ang death penalty sa heinous crimes at drug crimes.

Ipapanukala aniya nito ang sinumang high ranking government official na may kontrol sa pondo ng pamahalaan ay maaaring papatawan ng death penalty.

Kasabay ng pagbalik ng death penalty ay palalakasin rin ani Belgica ang justice system ng bansa.

Follow SMNI News on Twitter