LIMITADO lamang sa 1,500 indibidwal ang pinapayagang maglakbay sa bus sa pamamagitan ng JB-Singapore VTL.
Aabot sa 1,500 katao ang pinapayagan na maglakbay sa mga express bus sa pamamagitan ng Vaccinated Travel Lane (VTL) simula ngayong Nobyembre 29.
Ayon kay Prime Minister Datuk Seri Ismail Sabri Yaakob, kasabay ng paglulunsad ng land at air VTL ay higit na mapapahusay ang bilateral at pang ekonomiyang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Matatandaan na nagsarado ang border sa pagitan ng dalawang bansa noong Marso 18 taong 2020.
Ito ay magbibigay katuparan sa mga kahilingan ng mga mamamayan sa Malaysia at Singapore na matagal ng nawalay sa kanilang mga pamilya dahil sa pandemya.
Aniya, ang mga itinalagang VTL land bus services ay magagamit sa pamamagitan ng Larkin Sentral bus terminal sa Malaysia at Queen street terminial sa Singapore bilang bording at disembarkation point.
Samantala, ang mga manlalakbay na pupunta sa Malaysia sa pamamagitan ng VTL–land ay kinakailangang magparehistro sa mysafetravel.gov.my habang ang mga manlalakbay naman mula sa Malaysia papuntang Singapore ay kinakailangang magparehistro sa go.gov.sg/vtl-portal.