SA ikalawang presscon ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), muling hinimay ang ginagawang paglapastangan sa batas ni Bongbong Marcos Jr. Ito’y kasunod ng kaniyang pahayag kaugnay sa ginawang pagkuwestiyon ng KOJC sa pagbibigay ng P10-M pabuya ng DILG para sa sinumang makapagtuturo kung nasaan si Pastor Apollo C. Quiboloy, at tig-iisang milyong piso para sa lima pang ibang akusado.
Matapos ang isang buwan nang lumusob ang mga armadong PNP-SAF at CIDG sa mga religious compound ng KOJC noong Hunyo 10, 2024, binasag ni Marcos ang kaniyang katahimikan.
Ngunit imbes na sawayin at kondenahin ang ilegal at bayolenteng paglusob ng mga pulis, ay dinepensahan pa pala nito si Interior Sec. Benhur Abalos.
Aniya, walang isyu kung tumanggap ang gobyerno ng pera mula sa mga pribadong indibidwal para lang matukoy kung nasaan si Pastor Apollo at lima pang mga akusado.
Ngunit sagot ng legal counsel ng Kingdom of Jesus Christ na si Atty. Ferdinand Topacio:
“Mr. President, if you do not see something wrong with what has been done, then there is something wrong with you,” pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio, Legal Counsel, KOJC.
Ani Topacio, ang nasabing pabuya ay mali sa kahit anong pamamaraan.
“May pinatay ba si Pastor Quiboloy? Are these crimes, even assuming na may probable cause? Are they violent crimes? Bakit sampung milyon? Under the Constitution, which you swore to implement as president, as chief executive, as the main person tasked to implement all the laws of the country,” diin pa ni Atty. Topacio.
“Equal protection every person similarly situated should be treated in the same manner. Bakit ‘yung pumatay ng dalawamput limang tao 1.3? Bakit ito pong walang pinatay, 10 milyon? Pribado pa po, this is so wrong on so many levels,” aniya.
Tinutukoy rito ni Topacio ang wanted na MILF Leader na si Commander Wahad Gara dahil sa multiple murder cases nito noong 2008 attacks sa Lanao del Norte na nauwi sa pagkasawi ng higit 20 sibilyan at mga sundalo at pulis. Ngunit ang patong sa ulo ni Gara ay nasa higit P1-M lang.
Samantala, iginiit naman ni Atty. Israelito Torreon na karapatan ng KOJC na kuwestiyunin ang mga ganitong hakbang ng Marcos administration.
“We have the right to question that. Because of the entire purpose of Republic Act 6713 is really, to promote the saying ‘public office is a public trust,” pahayag ni Atty. Israelito Torreon, Legal Counsel, KOJC.
“Tapos ni-research namin sa jurisprudence, connected pala ito sa RA 3019 Sec. 3-C. ‘Yung magkuha ka ng pondo from private sources and the purpose of prohibiting this, is really because of public trust,” ani Atty. Torreon.
Ang RA 6713 ay ang Code of Conduct and Ethical Standards para sa public officials at employees habang ang RA 3019 ay ang batas para Anti-Graft and Corrupt Practices.
Ani pa Torreon, napaka delikado ng ginagawa ng gobyerno kung hindi nila papangalangan ang kanilang sources para sa nasabing pabuya.
“It is very dangerous on the part of the officers to not name your sources of funds. Kasi dito, ehh! Baka foreign sources po ito o baka galing sa Amerika ba ito? Oh galing ba sa ibang sources ito sa left ba ito o galing ba ito sa taong may kailangan kay Sec. Abalos? Para ma-elect siya pagka senador siguro?” aniya pa.
Samantala, maliban sa isyu ng pabuya, hinimay rin ni Torreon ang naging proseso sa mga kaso ng rape, qualified human trafficking, at child abuse laban kay Pastor Apollo.
Aniya ang mga nasabing kaso ay ibinasura na noong Hunyo 29, 2020 ng Davao City Prosecutor’s Office. Kasunod nito’y, naghain naman ng motion for reconsideration ang nag-akusa ngunit natalo pa rin ito noong Nobyembre 23, 2020.
Ngunit nitong Pebrero 27, 2024, sa ilalim ng Marcos admin, binaliktad ng Department of Justice (DOJ) ang desisyon matapos ang halos apat na taon at muling binuksan ito dahilan upang maglabas ng arrest warrant laban kay Pastor Apollo at lima pang ibang akusado.
Kaya naman tugon ni Torreon kay Marcos nang sabihin nitong sinusunod lamang nila ang batas:
“Eh, hindi naman siguro pupwede, the president will say, “Sinusundan lang namin ang batas.” Ay ‘yun pong batas para sa amin hindi mo sundin. Eh kung sa’yo may warrant, gusto niyo na i-implement niyo with full force of the law, maski grabe na masyado. Eh ‘yung motion for reconsideration nga namin hindi niyo inaksyunan eh.”
“Kasi para naman ma-prove ng aming kliyente na wala talaga siyang kasalanan kung i-deny ninyo, okay lang sa amin, wala kaming problema doon. Pero aakyat kami sa Court of Appeals, sigurado kami kung makita ng Court of Appeals nagka-putcha naman pala ‘tong kaso na ito, na-dismiss na ito bigla na lang finile.”
“Eh baka mahiya sila at ‘pag makita ‘yung ebidensya at saka nakakahiya talaga kasi wala talagang probable cause.”
“Because in the first place, we trusted you. Mr. President. We trusted you, Pastor Apollo C. Quiboloy trusted you. We elected you into office and you are supposed to perform your role as the foremost executive official of the land and you should have implemented the laws that I have just cited,” paliwang nito.
Matatandaan na sa naging presscon ng KOJC nitong Lunes, hinimay rin ng mga abogado ang ginawang paggamit ng Marcos admin sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para patuloy na gipitin at sikilin si Pastor Apollo.
Kabilang na ang paggamit sa Kongreso sa isyu sa prangkisa ng SMNI na nauwi sa arrest warrant laban kay Pastor Apollo, gayundin sa Senado matapos ang ginawang pagdinig ni Risa Hontiveros sa mga akusasyon laban sa butihing pastor.
At nitong Hunyo 10, 2024, marahas na nilusob ng PNP-SAF at CIDG ang mga religious compound ng KOJC nang walang dalang search warrants.