Paglikha ng Philippine Public Safety Academy, key legacy ng Duterte admin – DILG

Paglikha ng Philippine Public Safety Academy, key legacy ng Duterte admin – DILG

ISA sa key legacies ng administrasyong Duterte ang pagtatag ng Philippine Public Safety Academy (PPSA), isang dedicated training institution para sa cadetship program ng mga future fire at jail officers.

Ito ang ipinagmalaki ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

Ayon kay Año, magaan ang loob niyang magreretiro sa DILG dahil nakatulong siya sa pagtaas ng antas ng kahusayan ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ayon kay Año, ang newly-inaugurated Philippine Public Safety Academy ay pansamantalang nagsasagawa ng mga klase sa National Forensic Science Training Institute (NFSTI) sa Camp Vicente Lim sa Calamba, Laguna habang naghahanap pa ang ahensya ng permanent campus para sa academy.

Sa temporary location, 2 dormitoryo ang nakalaan sa 100 kadete (90 lalaki at 10 babae) kung saan 50 slots ang nakalaan sa bawat bureau.

Follow SMNI NEWS in Twitter