Paglikha ng Water Resource Management Office, inaprubahan na ni PBBM

Paglikha ng Water Resource Management Office, inaprubahan na ni PBBM

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbuo ng Water Resource Management Office (WRMO).

Ito ay upang pamahalaan ang water resources ng bansa at tumugon sa kasalukuyang environmental challenges.

Ayon sa Presidential Communication Office, isang executive order ang ilalabas upang magkaroon ng “collaborative mechanism” sa bagong tanggapan ang National Water Resource Board, Metropolitan Waterworks and Sewerage System, at ang Local Water Utilities Administration.

Ang WRMO ay nasa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at magiging isang transitory body habang nakabinbin ang paglikha ng isang water resources department.

Kabilang sa mga pangunahing tungkulin ng WRMO ang pagbuo at pagtiyak sa pagpapatupad ng Integrated Water Management Plan (IWMP), na magsasama-sama ng iba’t ibang plano ng iba’t ibang ahensya.

Follow SMNI NEWS in Twitter