Paglilimbag ng balota para sa plebesito sa Baliwag Bulacan, nagsimula na

Paglilimbag ng balota para sa plebesito sa Baliwag Bulacan, nagsimula na

NAGSIMULA nang maglimbag ng mga balota ang National Printing Office (NPO) na gagamitin para sa paparating na plebesito sa Baliwag, Bulacan.

Sa media tour na ginawa sa NPO, makikita na abala ang mga staff sa printing ng mga balota at iba pang accountable forms na gagamitin ngayong December 17.

Isasagawa ang plebesito para malaman ang pasya ng mga residente kung payag ba silang gawing siyudad ang munisipalidad ng Baliwag.

Bukod sa Bulacan, naunang nagsagawa ang COMELEC ng plebesito sa Maguindanao, Calaca Batangas, at Ormoc City sa Leyte.

Follow SMNI NEWS in Twitter