Paglilingkod ni VP Sara sa bayan, kinilala ng San Sebastian College-Recoletos College of Law

Paglilingkod ni VP Sara sa bayan, kinilala ng San Sebastian College-Recoletos College of Law

SA nasabing event, pinasalamatan ni VP Sara Duterte ang San Sebastian College of Law Recoletos dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makatapos at maging abogada.

Dito kaniyang ikinuwento ang ilan sa hindi malilimutang bahagi ng kaniyang pag-aaral ng abogasya.

Ibinahagi rin ni VP Sara ang kahalagahan ng pagiging abogado sa kaniyang personal na buhay at lalo na sa kaniyang trabaho.

Mensahe naman ni VP Sara sa kapwa alumni ay patuloy na magsumikap para sa ikauunlad hindi lamang para sa sarili kundi para sa bayan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter