Paglilipat ng preso mula NBP patungong regional penal colonies, inaprubahan na ng DOJ

Paglilipat ng preso mula NBP patungong regional penal colonies, inaprubahan na ng DOJ

BINIGYAN na ng go signal ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla si Bureau of Correction (BuCor) acting Director Gregorio Catapang Jr., na mailipat sa mga penal colony sa mga probinsiya ang libu-libong persons deprived of liberty (PDLs) mula sa Minimum at Medium Security Compound ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Sinabi ni Catapang na plano niyang masimulan ang paglilipat sa mga bilanggo ngayon taon bilang bahagi ng decongestion program o para mapaluwag ang Bilibid na nakapaloob sa 5-year plan sa BuCor.

Ipinaliwanag pa ni Catapang na ito ang pinaplano nila na magiging legacy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na lahat na mga PDL sa New Bilibid Prison ay mailipat sa mga regional penal colonies.

Tinatayang mayroong 50,000 PDLs o mga bilanggo sa lahat ng penal colonies ang nakapiit sa mga kulungan na pinamamahalaan ng BuCor sa buong bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter