Paglipat ng New Bilibid Prison, napapanahon na – Mayor Ruffy Biazon

Paglipat ng New Bilibid Prison, napapanahon na – Mayor Ruffy Biazon

INIHAYAG ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon na napapanahon na para ilipat ang New Bilibid Prison (NBP) na nasa Muntinlupa dahil sa highly urbanize center na ang lugar.

Ayon kay Biazon na marami nang residential ang nakapaligid kung saan matatagpuan ang NBP, kaya’t napapanahon na ilipat ang mga ito.

Inihayag ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon na 10 taon nang nakalilipas simula nang talakayin na gawing kahalintulad ng Bonifacio Global City ang lugar ng NBP.

Ayon pa sa alkalde nagkaroon na rin ng interagency committee at master development plan kung paano ito gagawin.

“But at the level naman ng national government, maganda rin na i-transfer out ang penitentiary kasi nga ‘yung risk na involve kung napaligiran siya ng residential. Threat to the community and threat to the security of the facility kaya maganda talagang i-transfer out siya,” pahayag ni Biazon.

Gayunpaman nilinaw ni Biazon hindi na rin kailangan ng batas para mailipat ang Bilibid dahil meron namang itinakdang bagong BuCor Modernization Law.

Kung saan maaari din nilang mai-develop at mapaganda ang pasilidad ng BuCor.

“Ang kailangan nalang ngayon ay pick-upin nalang kung ano ‘yung pinaplano dati eh. Meron na kasi doon eh and then probably just tweak it. Isa doon sa mga pwede kasing paglipatan ng facilities ay meron sa Nueva Ecija sa Fort Magsaysay, meron sa Panay, Rizal and meron din sila sa Mindoro,” ayon kay Biazon.

Matatandaan nitong nakalipas na araw bumisita si Biazon sa  BuCor kay Director-General Gerald Bantag para sa isang courtesy visit at tinalakay ang ilang usapin na may kinalaman sa interes sa pagitan ng lokal na pamahalaan at BuCor.

Una ritong napag-usapan ang request ng BuCor para sa programa na matulungan ang mga lumalayang Person Deprived of Liberty (PDL) sa pagsimula ng bagong buhay sa pamamagitan ng employment o livelihood assistance.

BASAHIN: Pastor Apollo, saludo kay Gen. Gerald Bantag sa pagsasaayos ng New Bilibid Prison

Follow SMNI News on Twitter