Paglulunsad ng “Hapag kay BBM”, dinaluhan ni Pangulong Marcos

Paglulunsad ng “Hapag kay BBM”, dinaluhan ni Pangulong Marcos

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang paglulunsad ng urban farming program na “Hapag kay BBM” ng Department of Agriculture (DA) sa Rizal Park sa Maynila ngayong Miyerkules, Marso 1, 2023.

Ibig sabihin ng “Hapag kay BBM” ay Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay sa Barangay Project/ Kadiwa ay Yaman/ Plants for Bountiful Barangays Movement.

Layunin ng programa na isulong ang urban gardening at hikayatin ang mga Pilipino na magtanim at magkaroon ng mga tanim na gulay at prutas sa kani-kanilang mga bakuran.

Sa kanyang talumpati, kumpiyansa ang Pangulo na makatutulong ang programa na matugunan ang kahirapan at matiyak ang seguridad sa pagkain sa bansa, maging ang proteksiyon sa kapaligiran.

Personal naman na nag-ikot ang Pangulo sa Burnham Green sa Rizal Park para bisitahin ang urban garden show na bahagi ng launching ng Hapag kay Pangulong Marcos.

Follow SMNI NEWS in Twitter