Pagluluwag ng border restrictions, mapanganib –Dr. Herbosa

Pagluluwag ng border restrictions, mapanganib –Dr. Herbosa

MAPANGANIB ang pagluluwag ng border restrictions sa mga foreign traveller dahil posibleng makapasok ang iba’t ibang COVID-19 variants.

Ito ang inihayag ni University of the Philippines-Philippine General Hospital chair Dr. Ted Herbosa, dating medical adviser ng National Task Force Against COVID-19.

Dagdag pa ni Herbosa, pwede ring i-require ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagsasailalim sa quarantine ng mga fully vaccinated traveller.

Gumawa rin ang IATF-EID ng technical working group para sa pag-aaral ng border restrictions ng bansa.

Patuloy ring nirerekomenda ni Herbosa ang pagsusuot ng face mask sa loob ng mga matataong lugar.

Hinikayat din ni Herbosa ang publiko na magpabakuna na at magpaturok ng booster shot.