Pagmonitor sa COVID-19 variants, pahirapan na –OCTA

Pagmonitor sa COVID-19 variants, pahirapan na –OCTA

SINABI ng OCTA Research na isa nang malaking hamon ang pagmonitor sa mga COVID-19 variants sa bansa.

Ayon kay OCTA Prof. Guido David, sobrang dami na ang naitatalang variants kumpara sa naunang variant na tinawag na Alpha, Beta, Delta at Omicron.

Pinapaniwalaan din nito na XBB na bagong variant ang dahilan ng pagdami ng kaso sa bansa partikular na sa National Capital Region (NCR).

Ayon naman sa Department of Health, may naobserbahan na silang localized community transmission ng XBB sa Western Visayas at XBC naman sa Davao SOCCSKSARGEN.

 

Follow SMNI News on Twitter