Pagpa-party, malalakas na music, ‘di papayagan sa Boracay sa Semana Santa —LGU

Pagpa-party, malalakas na music, ‘di papayagan sa Boracay sa Semana Santa —LGU

PINAAALAHANAN ng lokal na pamahalaan sa Malay, Aklan ang publiko na ipinagbabawal ang pagpa-party at pagpapatugtog ng malalakas na music sa Biyernes Santo sa Boracay.

Sa ibinabang memo ni Malay Vice Mayor Niño Cawaling, hindi maaaring magdaos ng party at malalakas na patugtog simula 6 am ng Biyernes Santo hanggang 6 am ng Sabado de Gloria.

Nakalagay rin sa memorandum order ni Cawaling na hindi maaaring mag-isyu ng special permits para magsagawa ng mga party sa Boracay sa mga nasabing araw.

Ang patakarang ito ay base sa Sangguniang Bayan Resolution na inilabas noong 2009 na nagbabawal sa mga nasabing gawain sa araw ng Biyernes Santo.

Follow SMNI NEWS in Twitter